Sometimes I am amazed with the homework of today’s elementary students. A spinner wheel project in Mathematics for their Statistics and Probability lessons? I was like wow, that must be tough! To complete Thea’s project, Papa and I helped her in designing the spinner wheel. We forgot to take a photo of the finished product though.
For Araling Panlipunan, on the other hand, they are asked by their teacher to watch a documentary show and prepare a reaction paper. I was amazed how focused Thea was when she watched an episode of i-Witness on GMA. I told her to jot down notes while watching. I am proud to say that she wrote the report by herself, I just edited some words to make them more appropriate.
_________________________
Maestrang Bulod Episode sa i-Witness
Host: Mr. Jay Taruc
Location: Barangay Cabugao, Donsol, Sorsogon
Ipinalabas sa: GMA News TV noong Pebrero 20, 2016

Buod ng Kwento:
Ang dokumentaryong “Maestrang Bulod” (Guro sa Bundok) ay tungkol sa kuwento ng mga guro na nagtuturo sa isang paaralan na matatagpuan sa malayong barangay ng Cabugao sa bayan ng Donsol, Sorsogon. Ito ay unang ipinalabas noong Hunyo 12, 2006 sa i-Witness na pinangunahan ni Jay Taruc.
Ang mga guro ay kailangan pa maglakbay ng malayo para lamang makarating sa paaralan ng Cabugao Elementary School. Kuwento pa nga ng isang guro, kailangan niya pang iwan ang maliit niyang anak para makapagturo sa paaralan na iyon at makatulong sa mga batang nag-aaral doon. Nag-volunteer si Jay Taruc na tumulong bilang guro sa paaralan na ito upang makasalamuha ang mga guro, mag-aaral at mga magulang doon. Kakaunti ang libro, sira ang mga blackboard, kulang ang mga silya at walang kuryente sa paaralan na iyon. Upang hindi na mag-biyahe ang mga guro araw-araw tuwing may klase, doon na rin sila natutulog sa mga classroom. Doon na rin sila nagluluto at naglalaba. Sabi ni Jay Taruc, noon lang daw siya nakakita ng classroom na may kusina.
Noong umaga ay kasama ni Jay na naghanda ang mga guro para sa isang araw ng pagtuturo sa mga batang mag-aaral sa elementary. Ilang sandali lamang ay dumating na ang mga estudyante at nagsimula na ang klase. Kinuwento kay Jay ang tungkol sa mga estudyante na hindi pa masyado marunong magsulat at magbasa. Pinuntahan din ni Jay ang batang si Jucel na walong taong gulang, madalas siyang lumiban sa klase dahil tumutulong siya sa pagtatrabaho para sa pamilya niya.
Kuwento naman ng mga guro, ang sweldo nila sa loob ng isang buwan ay sampung-libong piso.
Saloobin Ko Tungkol sa Kwento:
Noong napanood ko ang dokumentaryong iyon ay lalo akong napahanga sa mga guro. Itinuturing ko silang mga bayani dahil ibinibigay nila ang kanilang oras at talino para maturuan ang mga bata upang magkaroon sila ng magandang kinabukasan. May mga pagkakataon, tulad ng ipinakita sa napanood ko sa i-Witness, na kung saan ang mas matindi ang hirap na tinitiis ng mga guro lalo na yung nagtuturo sa mga malalayong lugar at kulang pa ang mga kagamitan sa pagtuturo.
Ang “Maestrang Bulod” ay nagpaalaala sa akin na lalo pang igalang, sundin at pahalagahan ang aking mga guro. Sana patuloy pa sila sa pagtitiyaga sa pagtuturo sa aming mga mag-aaral. Sana rin po ay maging maayos na ang mga paaralan sa malalayong lugar sa ating bansa para lahat ng mga bata ay maayos na makapag-aral.